3.8.10

8

Madaming beses na akong nagtangkang magblog ulit. Ang problema, wala akong mailagay. Ganun na ba ka-boring ang buhay ko at wala na akong maisip na mailagay dito? Nag-isip ako ng sandali.. Anu na nga ba ang nangyayari sa buhay ko? Kain, Tulog, Trabaho. Nauubos ang oras ko dahil sa tatlong gawaing ito. Matutulog sa umaga, kakain pag-gising at papasok sa trabaho.

Sa umaga ako natutulog dahil sa trabaho ko. Kung sa tingin mo ay sa call center ako nagtratrabaho ay tama ang hinala mo. Walong oras na pakikipag usap sa mga tao sa telepono. Walong oras na pakikinig sa kanilang mga problema. Walong oras na paghahanap ng mga solusyon sa kanilang mga problema. Walong oras na nakaupo sa air-conditioned na office at sandamakmak na mura galing sa mga irate na customer.

No comments:

Post a Comment